Ang bideoke (Inggles: karaoke box, videoke, o karaoke television o KTV) ay uri ng libangan kung saan ang isang baguhan na mang-aawit ang sumasabay sa tugtog ng musika. Mula sa isang sikat na kanta ang musika kung saan ang boses ng orihinal na kumanta ay inalis o hininaan ang lakas. Madalas ding ipinapakita ang liriko, minsan kasama ng pag-iiba-iba ng kulay kasabay ng musika para makatulong sa pag-sing-along.